Love always wins no matter what the world will think of it

I am very annoyed at people saying “I love you” or “love has blabla” and yet if they see a same-sex couples they would say “love should be man and woman” and so on.

 

Tangina naman kung ang iniisip niyo ag pagmamahal ay sa lalaki at babae lang, hypokrito ang tawag sa iyo o kaya konserbatibo. Kasi wala naman talagang totoong depeisyon ng “love” sa dictionary nga vague masyado ang ibig sabihin ng “love”. Sapangakat ito ay nararamdaman, may actions na ginagawa. Hindi lang ito dahil sinasabi mo o sa kung ano ang nauunawaan mo kundi nararamdaman mo ito at kalakip nito ang pagdarama sa kanila na mahal mo sila.

Back to topic, love wins. Bakit? kagaya ng sinabi ko eto ay dinarama, feelings in english. Hindi ito natutumbasan kung sino ka o ano ka para magmahal. Kung mahal mo kapwa sex mo, go. Nararamdaman mo naman diba? tayo lang naman, ang tao ang nagbibigay kahulugan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal ehh. Sa totoo lang hindi sa kung ano ang sinasabi kungdi sa kung ano ang nararamdaman natin.

 

Kaya next time pag may nangontra sa inyo tungkol sa pagmamahal lalo na sa preference na gusto niyong mahalin, tandaan mo ANG PAGMAMAHAL DIRAMA HINDI NA KAILANGAN IPALIWANAG!!

Ang kaligtasan ay nagsisimula sa atin. Wag mong takutin ang sarili mo

Sa panahon natin ngaon na kung saan laganap ang pagpapakalat ng mga balita sa social media, isa lang ang tanong ko; bakit kayo nagpopost ng mga katatakutan or magwoworry sa ating bansa?

 

Nakakalungkot isipin na imbes na magtiwala tayo sa ating sarili o kaya maghanda tayo sa kung ano man mga nangayari sa atin (tipong ligtas tips ni cardo sa ang probinsayno) ehh mas lalo lang natin tinatakot ang ating mga sarili kung ano ang mangyayari sa atin. Una dito ay ang martial law sa mindanao at Marawi crisis. Imbes na ang ipost at ipalaganap natin ay ang mga kahandaan kung sakaling ganyan ang magyari sa atin o kaya mga tulong na kailangan nila, pinopost panatin at ipinapalaganap pa natin sa social media ang mga “political blaming” at mga post na kung saan kung ano ang nangyayari sa kanila. Ang ending nagkakaroon tayo ng takot sa sarili.

 

Hindi ba natin pwede gawin na imbes na ganun ang pinopost natin, ipost natin ang kung ano ang dapat sa kung sakali mangyari sa atin yun alam na natin kung ano ang gagawin at wag kalimutan ang dasal. Katoliko man o hindi, importante ang dasal dahil ang Diyos andiyan, nakikinig sa atin at handang tumulong (kahit di natin namamalayan)

 

stop installing fear among ourselves, hence we must be ready for the things to come and pray, pray as hard as you can be because prayer works.

Career first before lovelife, aanhin ang pagibig kung wala kang maipakain

Okay sounds absurd but hear me out on this: Given na may lovelife ka, uunahin mo ba iyan o hindi?

In this day and age, relationships come and go. Madalas ang pag awayan ng magsyota ngayon ay commitment and trust. Wala akong paki dun dahil for another day topic iyon, pero etong topic ko ngayon ay tungkol sa pangalawang reason kung bakit nagbrebreak, TIME and EFFORT

I mean, ako as a working person, hindi ba pwede iba ang iniisip ko? na tipong hidi puro lovelife ang inaatupag ko? Kung ikaw ang taong wala kang time sa bf o gf mo, let them realized na hindi ka gumagawa ng masama bagkus ay iba ang nasa isip mo, you are thinking on a long term basis with the love of your life. Meaning, career muna ang goals mo at sila ang inspirasyon mo upang maabot mo ay dream mo at dream niyo.

But what if too much career? yes kung career ang inuuna nalang palagi, mamatay ang relationship niyo and that’s when TIME and EFFORT came. Kung ikaw, isang busy na tao, kahit papaano magkaroon ka din ng time para sa mahal mo. Ipakita mo sa kanya na kahhit busy ka sa career mo, you are making a time for him?her para maipadama mo na importante sila sa iyo. Na sila ang inspirasyon mo kung bakit ka nagpapakabusy sa life mo.

The point is you need to balanced everything in life. Hindi lahat masaya may struggles din and its up to you how will you handle it. My advice, do it right and everything will be okay

Do Good, Be good and pray well

In the past year since my graduation in college and entering into law school and working force, one thing I realized. Kailangan ng bagongg mantra sa buhay ko. But I came to realized that as I grow older, mas nagiging careless ako and masyado kong binibigyan big deal ang mga taong nasa paligid ko. So let me share to you how not to give them less of it by being good to them

 

Do Good: One thing I learned is that you must done good thing unto them. hayaan mo silang ijudge and mema lang sa kanila ang importante, ikaw mismo wala kang sinasabing masama bagkus ikaw pa ang may kusang umawa ng kabutihan para sa kanila. Ang importante, wala kang ginagawa o sinasabing masama tungkol sa kanila. You dont give a fuck kung ano man sabihin nila sa iyo kasi alam mo sa sarili mo wala ginagawang masama sa kanila. bahala sila sa buhay nila kung ano man isipin nila. Sapagkat kung gagawing mong big deal iyon, ikaw din ang talo sa huli

 

Be Good: Act like a normal person, hindi ka dapat magpaapekto sa kung ano man sinasabi nila. Maging mabait ka pa nga sa kanila ehh. The fact that if you do harm unto others, or papakitaan mo ng sama ng ugali ang isang atong masungit sa iyo, mas lalo lang lalala ang tensyon niyo at in the end parehas kayong tao. Hayaan mo siyang ganyan parealized mo na kahit anong sama ng ugali niya cool ka pa din.

 

Pray Well: Lastly at the end of the day, pagdasal mo sila. Pagdasal mo mga taong nasa paligid mo at ang mga nagawa mo ngayon araw, magpasalamat ka pa din kaay Lord na binigyan ka ng pagkakataon upang mabuhay. In the end siya ang tanging sandigan mo.

 

So ano ang punto ko dito? If you follow this things magiging stress free ang buhay mo. Kasi at the end of the day and of your life, ikaw at ikaw a din ang magbebenefit nito para instant punta ka sa langit

Love the Law and Law will love you back…or not

Besh mahirap ang law school

 

Pag sinasabi kong “Naglalaw school ako” napapawow sila, or sinasabi nilang matalino ka (In my situation,  working student ako so mas lalo nakakpressure haha) pero ang hindi nila alam, itong talino namin, isang parte lang iyan kung paano kami makakasurvive sa law school.

Nung nalaman ko ang mga grades ko ngayong first sem (first year palang ako) nanlumo lang ako na natuwa, sapagkat may isa akong bagsak na subject and got me thinking “ano pa ba ang kulang??” Hindi pa ba sapat ang sleepless nights na madalas hindi na namin napapansin kung anong petsa na, o kaya mga family gathering na namimiss out na dahil sa mg case digest and readings na kailangan memorize or singko? Nasa stage ako nito na kung saan natanong ko na sa sarili ko “is law  school for me?” Don’t get me wrong, first year palang ako but mapapaisip ka din ng mga ganitong tanong.

Suddenly, narealized ko na law school is not about brains but courage, courage to stand on and continue with your journey to become an “ATTY.” hindi uso  dito  ang magmakaawa bagkus tanggapin at sabihin sa sarili na “babangon ako at magpapakabuti dahil ito ang pangarap ko” Malayo pa ang tatahakin ko, pero ito ang iniisip ko. Hindi makukuha sa iyak (iinom mo nalang iyan). Sabi nga ng kaibigan ko sa law school “Bawi ka agad, alam kong kaya mo iyan”

Kaya sa mga nagbabalak mag law school, pagisipan mabuti. As in 100x mong pagisipan kung ang law school ay para sa iyo. Sapagkat dito, iba ang laro. Hindi ito kagaya ng college na lazy daisy ang peg o pacute sa prof, sa law school pantay-pantay kayo. Its not about how smart you are but how strong you are as a person, a law student should be strong enough since legal  profession is a risky profession and you need all thecourage to defent or fought for your clients. Kung handa ka  mapahiya ng mga prof o kaya bumagsak kahit binigay mo na ang lahat, go ahead. Sapagkat may goal ka, at yun ay maging abugado.

Sa mga naglalaw school (lalo na sa may mga bagsak/debared na natransfer sa  ibang eskwelahan) Laban tayo mga besh, nandito natayoo bat pa tayo titigil? iinom nalang iyan at sa susunod, pagbutihin natin. Alam kong kaya natin ito dahil iisa lang ang panagrap natin at yun ang maging abugado tayo.Wag tayo susuko, laban lang besh

 

Para sa pangarap, ang magkaron ng 4 na letra sa pangalan, ATTY.

If You are tired, rest and unwind. Otherwise, you are hurting yourself.

Kailangan ng pahinga, bes

 

Sa panahon na kung saan madami tayong ginagawa sa buhay, lalo  na sa mga kagaya kong nagtratrabaho  (at nagaaral lol) kaya kailangan magpahinga sapagkat ito ang tanging paraan upang makapagisip  kung anu-ano ang mga dapat gawing upang mas maging epekitbo tayo sa ating mga gawain. Ngunit paano mo ito gagawin?

 

Kung ako ang tatanungin, ehh wala, hindi  ako nagpapahingang tao, pero base sa experience ko, ito ay magdudulot ng hindi magandang pangyayari. Sa  sobrang busy ko, madami na akong napapabayaan at hindi man lang natugunan ng pansin lalo na sa mga gawaing bahay. Napansin ko din na hindi ka dapat magfocus sa kung ano ang kinagisnan mo sapagkat may mga bagay na hindi mo napapansin na bigla nalang mawawala dahil sa kapabayaan mo o sa pagiging busy mo.

 

So paano ka magrerelax o  magpapahinga? Simple lang, disconnect and reconnect. Disconnect from all the stress that you have and reconnect with the people or the places you have missed out with. Patayin mo  muna cellphone mo or laptop mo, wag mo muna buksan mga email mo at gawin mo  ang mga bagay na namiss out mo, kagaya ng pag hang out sa mga kaibigan at pamilya mo o kaya magtravel kung saan mo gusto. Dun mo makikita at mararamdaman na kailangan mo magpahinga sapagakat ang bagay sa mundo ay pangsamantala lang, live it with the fullest.

 

Don’t Constrain yourself to the things that you usually do, go out and rest so that you may find yourself  and you can refresh, realized and treasure every moment.

 

P.s: Applicable din ito sa mga kabrebreak lang kasi kailangan niyo din magcatch up and mag refresh

Announcement

Since jobless na din ako (kasi graduating na) ang matagal nang inactive ang blog na itoo, bubuhayin ulit natin by every week 2 new blogs will be posted.

 

Kung may naiisip kayong topics to suggest or may mga problems kayo (love and life problems, wag pera pls) just pm me tru these sites, malay mo mafeature pa kita sa mga blogs ko

Facebook: facebook.com/cjuanmv

Twitter: @seejeyemvee

Email: juan8villareal@gmail.com

 

Peace out

-Cj

 

P.s: Also naghahanap ako ng contributor din and feel free to share you thoughs malay mo magkasuno or magkaroon tayo ng magandang pagusapan Im opt to criticism kasi walang perpektong tao. Just take my blog as an advice (opinon based advice)

#NeverAgain: friendzoned

Kung ikaw ay nakaranas na ng friendzoned, may tips ako sa iyo upang maging prepared at handa ka kung ang inyong pagsasama ay for friends or for relationship dahil madalas ng nafriefriendzoned, nagaassumed muna bago masabi na hanggang kaibigan lang:

 

WAG ASSUMING: Ito ang dahilan kung bakit madami ang nasasaktan at nasa friendzoned  lalo na yung mga taong mabilis mafall. Tandaan mo palagi na sa pagkakaibigan, unang mafall ay talo. Kung ang intention lang ay hanggang pagkakaibigan, wag mong pakitaan masyado ng pagiging “relationship style” na friendship baka biglang mafall iyan at sasabihin mo hanggang friends lang.

 

BE CLEAR: kung hanggang friends lang kayo, hanggang dun lang dapat. wala na dapat hihigit pa dun. Ang nagiging problema kasi, magkaibigan nga kaso ang nagyayari walang closure, ngiging sweet siya sa iyo at concern. kung sa simula palang ng pagkakaibigan ninyo ay klaro na ang lahat, ehh alam mo at ng kaibigan mo kung hanggang saan lang kayo

 

WAG PAFALL: Okay lang kung maging mabait and caring ka sa kanya but to the extent na may hanggangan lang. Kung magpapafall ka, ibig sabihin nun hindi lang friends ang gusto mo and there is no turning back or else friendzoned na ang labas.

 

Iyan lang sa kaya kong ibigay na payo about friendzoned, kung nabiktima ka nito, dont worry madami pa diyan iba. at kung ikaw naman ang gumagawa nito, goodluck at makakahanap  ka ng katapat mo, pagsisihian mo sa huli sapagkat sinayang mo lang ang taong para sa iyo sa 3 salita “Kaibigan lang tayo”

Tinadhana ng panahon, tanda ng pagsubok

Naniniwala ka bang lahat tayo ay may tinandhana sa atin buhay?

Mula sa pagkakilala sa ating “the one” hanggang sa pagkakaroon ng career sa buhay,  lahat iyan nakatandaha o fate. ngunit napaisip mo ba kung para sa  iyo ang nakatadhana? naisip mo na ba na ang mga nangyayari ngayon sa buhay mo ay hindi dapat mangyari o kaya dapat sa iba nalang mangyari  ito? kung iyan ang naiisip  mo,  ang masasabi ko lang ay iniiwasan mokung ano ang dapat para sa iyo at bagkus nililihis mo ang sarili mo upang tanggapin ang nakatadhana sa iyo. kung ikaw ay panay iwas sa nakatadhana sa iyo, ibig sabihin niyan ay ayaw mong tanggapin ang hamon na binibigay sa iyo at gusto mo lang manatili sa kung ano ang pabor sa iyo.

Kung ganyan ang ating pagiisip, paano tayo uusbong bilang  isang taong matatag at handang humarap sa pagsubok? kung mismo ang nakataadhana sa atin, kesyo pabor o hindi sa atin, ay di mo matanggap. Tandaan mo na tayo ang gummagawa ng ating kapalaran dito sa mundong ibabaw at and tadhana ay ang produkto nito.  Kung ikaw mismo ay handang tanggapin ang nakatadhana sa iyo, magiging madali ang lahat para sa iyo ngunit kung ito ay babalewalain lang at isasantabi mo lang, baka isang araw pagsisihan mo ito sapagkat isang beses lang sa buhay natin dumadating ang tadhana (at oportunidad)

 

Magandang example para dito ay ang pagibig, na lahat ay may nakatadhana sa atin, hindi lang halata ngunit sa tamang panahon, malalaman mo na siya na pala ang para sa iyo.

Everyone has feelings, Don’t break it

2 words: wag paasa

 

Sa panahon natin ngayon, madami ang nasasaktan sa pagibig dahil sa salitang “paasa”. ngunit bakit? Masasabi  natin kaya madami ang umaasa ay dahil hindi nililinaw kung ano talaga sila. Bigyan ko kayo ng scenario, si  guy trianto si girl na parang gf niya or nasa isang relasyon na kayo. Pero nung tinanong siya ng mga kaibigan niya o kaya naman tinanong siya kung anong namamagitan sa inyo, sasagot mo friends lang. So eto naman si girl asang asa na kayo na talaga when in fact sa mata ng tao, hanggang kaibigan lang and vice versa. I mean WTF naman hijo/hija kung iyan ang ilalabel ninyo sa isat isa dapat sa simula palang claro na lahat hindi yung mafafall na isa sa inyo bigla mong kambyo na hanggang dun lang kayo?!? talagang masasaktan siya lalo. Kaya nagkakafriendzoned ehh at nagsasabing “walang forever”.

Iba ang kaibigan sa karelasyon. may kaakibat na responsibilidad ang pagpasok sa isang relasyon. Dapat naman kasi bago kayo maging “clingy” sa isat isa o kaya naman sweet or whatever, sabihin mo muna sa kanya na friends muna tayo, take it slow. Wala naman nagmamadali sa pagibig ehh, lahat iyan sabi nga nasa “tamang panahon” ngayon kung ikaw yung taong sweet mabait at clingy sa kanya and nafafall siya sa iyo, ibig sabihin nun lumagpas ka na sa linya between friends and lovers and  if you reach that point better think kung tuloy mo pa o hindi. Ang gusto lang naman natin ay isang tao o kaibigan na magaalaga at ituturing tayong importante sa kanila.

 

Kaya guys and girls, iwas paasa tip: clear out kung ano talaga kayo and may kasabihan sa kanta, kung tayo ay tayo talaga